Isang napakasipag na auto electrician si Danillo Villaluz, ng Basud Camarines Norte… ngunit sa isang iglap isang aksidente ang nagpabago sa kanyang buhay at kanyang pamilya… Siya ngayon ay nakaratay sa papag ng karamdaman sanhi ng aksidente…
Dahil sa kakulangan sa pinansyal, huminto na din ang kanyang anak sa pag-aaral. Humingi sila ng kaunting tulong sa TROPANG LUNGISAN para sa pang-dagdag pambili ng gamot at pang patherapy. Sa tulong ng may mabubuting kalooban na hindi nag atubiling tumulong… inihatid namin ng personal sa bahay ni Danilo ang munting halagang aming nalikom..
Sinawing palad na binawian ng buhay ang kanyang nakabanggaan. Isang trahedyang nagdulot ng pasakit at pighati hindi lamang sa kanyang pamilya kundi na rin sa pamilya ng nasawi. Dalangin po namin na sana ay maayos na ng dalawang pamilya ang usaping kanilang kinakasangkutan. Malayo pa ang daang tatahakin ni Danillo para sa kanyang tuluyang pag galing…ngunit kami ay naniniwala na darating din ang panahon na manunumbalik ang kanyang dating sigla. Sa mga nagnanais magpa-abot ng tulong kay Danillo…mag mensahe po kayo sa aming FaceBook Page: Tropang Lungisan Maraming maraming salamat po sa mga magpapa-abot pa ng tulong.
Dios Mabalos – Tropang Lungisan