Walang pagsidlan sa tuwa ang mag-iina, at hindi mapigilan ang kanilang mga ngiti ng ibinaba namin ang sorpresang Bisikleta na kanilang magagamit sa pagtitinda ng kakanin.

Ang mag-anak ay nakalipat na din sila sa bahay na pinagawa ng samasamang tulong ninyo at ng Tropang Lungisan… Maraming maraming salamat po sa inyong lahat…isa na namang pamilya ang nabigyan natin ng pag-asa para patuloy lumaban sa hamon ng buhay.

Dios Mabalos – 🌱👣Tropang Lungisan

======================================================

Oct 14, 2021 – inilapit sa amin ni Gelai De Vela Mariquit si Desiree Delafuente, mag-isa niyang itinataguyod ang kanyang 4 na anak at matandang ina… sa pamamagitan ng pagbebenta ng kakanin…Araw-araw niyang nilalakad ang 10 kilometro umulan man o umaraw upang makabenta para makatawid sa pang arawaraw nila.

Siya po ay taga manila na nakapag-asawa ng taga San Vicente, Camarines Norte… sa kasamaang palad ang kanyang asawa ay nakakulong sa Manila. Sa kasalukuyan sila ay kailangan ng umalis sa kanilang tinitirhan…at wala silang kakayahang pinansyal na magrenta.

Nahanapan na namin sila ng matitirhan sa kabutihang loob ng mag-asawang Jhun Alarde at Marites Gomez Alarde… sa bahay na pinagawa sa lupa nila ng pinagsamasamang pagtutulungan ng LUNGISAN at may mabubuting kalooban na taga San Vicente.

Bukod pa dito… sila ay susuplayan namin ng 2kls of rice every week upang sila ay makapagsimula. Ihihingi na din po namin ng tulong pinansyal sa mga may konting sobra… upang mabilhan sila ng mumurahing bike at magawan namin ng sidecar na makakatulong sa kanilang pagtitinda. Ipakita po natin ang natural na kabutihan ng mga bikolano/bikolana, tulungan nating makapagsimula ang pamilyang ito na mga taga manila na pinili ang bikol upang magsimula ng panibagong buhay.

Dios Mabalos – 🌱👣Tropang Lungisan