CP para sa isang estudyanteng ulila na sa Ama – Alyssa Avellana

Jul 27, 2022 | 0 comments

June 26, 2022 – Naihatid na namin kay Alyssa Mae Avellana ang brand new OPPO A16K worth 5,999 pesos… galing sa kabutihang loob ni “PADI”… maramang maraming salamat padi!

Dios Mabalos – 🌱👣Tropang Lungisan

===================================

June 25,2022 – Isang dalagitang walang kinagisnang ama at tanging ina na lamang ang kasakasama sa buhay ang lumapit sa amin. Magkasama nilang hinaharap ng kanyang ina ang anumang hagupit ng unos ng buhay… tulad nalang ng tuluyang gibain ng bagyo ang kanilang tinutuluyang bahay…nagtayo silang mag-ina ng munting kubo para sila ay may masilungan.

Subalit sa kabila ng kahirapan sa buhay ay hindi nawawalan ng pag-asa na makatapos ng pag-aaral si Alyssa Mae Avellana, 17 years old ng Bgy. Cabanbanan San Vicente, Camarines Norte. Siya ay patuloy na lumalaban para abutin ang kanyang pangarap na maiahon sa hirap hindi lamang ang kanyang sarili kundi pati na rin ang kanyang ina. Tinutulungan niya ang kanyang ina sa paglalako ng kakanin upang may maipantawid sila sa pang-arawaraw at may magamit na rin sa kanyang pag-aaral…. Ngunit hindi sapat ang kanilang kinikita sa pagtitinda para maibili ng cellphone si Allysa para sa kanyang pag-aaral.

Kami po ay muling lumalapit sa mga taong totoong may dibdib sa pagtulong sa kapwa na sana ay maipunan natin ng pambili ng cellphone si Alyssa para sa kanyang pag-aaral…. Tulungan natin siya sa kanyang paglaban para sa katuparan ng kanyang pangarap… ❤️🙏

Maraming salamat po…

Dios Mabalos – 🌱👣Tropang Lungisan

=====================================

Ang Gadget para sa Pangarap ay naglalayong makatulong sa mga naghihirap subalit deserving na college students sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mobile o tablet na pinaka-essential sa online class. Isang gadget na magiging susi upang maabot nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Sa mga kabataang pinanghihinaan ng loob dahil sa hirap ng buhay, hindi pa ito ang katapusan ng inyong mga pangarap… may pag-asa pa… meron pang mga tao na handang tumulong sa kahit na anong pamamaraan ng naaayon sa kanilang mga kakayahan…

Sama-sama po nating tulungan at bigyan ng pag-asa ang mga kabataang dumadaan sa butas ng karayom pero patuloy na lumalaban at nagsisikap sa buhay upang maabot ang kanilang mga pangarap.

Ika nga ni Gat Jose Rizal “ Ang Kabataan ang pag-asa ng Bayan”

Walang imposible basta sama-sama at nagtutulungan.