CP para sa isang estudyanteng ulila na sa Ina – Ceejay Nasol

Jul 2, 2022 | 0 comments

Magandang araw po sa inyong lahat. Ako po si Ceejay Nasol na kasalukuyang nakatira sa Brgy. Dogongan. Ako po ay lumaki sa mahirap na pamilya sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur. Doon po ako nakapagtapos ng elementarya hangang secondarya.

Namulat po ako sa mundo na magkahiwalay ang aking mga magulang halos dalawang buwan pa lamang po ako nang iniwan ako sa aking lola. Sinisikap ko pong makapagtapos ng pag aaral dahil gusto kong makaahon sa kahirapan at gusto ko pong makatulong sa aking mga kapatid.

Ang mga magulang ko po ay may kanya kanya ng pamilya at umaasa lamang ako sa aking lola na nagtitinda lamang po ng mga kakainin tuwing umaga. Nagpasya po ako mag aral sa Froilan D. Lopez High school sa bayan ng San Vicente upang makagaan sa gastusin sa aking lola.

Subalit sa hindi inaasahang pangyayare habang ako ay nasa paaralan bigla pong may tumawag sakin at sinabi na patay na ang aking lola. Simula noon wala na akong inaasahan at nagsumikap po ako para lamang makapag-aral subalit ramdam na ramdam ko ang hirap ng buhay yung wala kang makain at walang laman ang tiyan papunta ng paaralan.

Nitong nakaraang taon ako po’y nakapagtapos ng Senior High School with honors sa Froilan D. Lopez High school at nagpasya akong mag-aral sa State College. Ako po’y nakapasa sa entrance exam sa State college at nabigyan ng pagkakataon na makapag aral ng libre pero dahil wala po akong ibang inaasahan kundi ang aking sarili.

Wala po akong masandalan lalo na’t Online Class ang klase ngayon at nakikihiram lamang po ako ng cellphone sa mga kaibigan at kakilala ko para lamang po makasabay sa online class. Nakapag aral lang po ako ng mahigit isang buwan ng dahil lang sa paghihiram ng cellphone na magagamit ko. Subalit dumating ang araw na wala na akong mahiraman dahil parepareho na nilang gamit. Kaya nagpasya po akong huminto na lamang sa pag-aaral.

Masakit po sa loob ko na huminto sa pagaaral at mapagiwanan ako ng aking mga kaklase. May mga gabi po na hindi ako makatulog, nangangarap na makapagtapos ng pagaaral at makakuha ng magandang trabaho. Wala po akong maasahan sa aking mga magulang dahil kulang din po ang kanilang kinikita na pantustos sa bago nilang pamilya. Paminsan minsan binibigyan din po ako ng tatay ko pero hindi po sapat sa pangangailangan ko.

Nakatapos po ako ng senior high school na nakikituloy lang po sa bahay ng mga kaklase ko para lamang makalibre sa pagkain. Sana po matulungan niyo po akong mabigyan ng pagkakataon na makapagtapos ng pagaral. Tatanawin ko po ito ng isang napakalaking utang na loob at maging daan sa pagbabago ng aking buhay. At nangangako din po ako na kung sakaling makapagtapos ako hindi ko po kayo makakalimutan at asahan niyo po na susuporta ako sa inyong napakagandang adhikain. Maraming maraming salamat po sa mga tutulong sakin. God bless po and more power!