Feb 1,2022 – Isa ng ganap na ina ng 4 na bata sa murang edad na 25 years old si Clarybel… ngunit hindi ito naging hadlang upang ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ay hindi niya maipagpatuloy… Isa siya sa napakadaming lumapit sa amin para huming ng tulong na sana ay maging recipient din ng Gadget para sa Pangarap ng Tropang Lungisan… Sana po ay matulungan natin si Clarybel Ortiz na magkaroon ng isang cellphone para sa online class… tulungan po natin siyang matupad ang kanyang pangarap… hindi lang para sa sarili para na din sa kanyang mga anak.
Tulong as of March 1, 2022 FROM 🇬🇧 W/ ❤️ – 3,000
Maraming salamat po ❤️🙏
Dios Mabalos – 🌱👣Tropang Lungisan
==========================================================================
Magandang araw po.ako po si Clarybel O piñano,dalawamput limang taong gulang na.kasalukuyang nakatira sa purok1 brgy.fabrica sanvicente camarines norte.ako po ay nag aaral sa Hope science technology college bilang grade11 student sa kursong HUMSS.huminto po ako noon sa kadahilanang ako po ay nag asawa na at ng magkaroon po ulit ng pagkakataon ako po at nag enroll sa ALS alternative learning system at sa kabutihang palad ay nakapasa at nagpapatuloy pa hanggang ngayon ng pag eskwela .at dahil Pisa pinatupad ng deped at ched na online class nagkaroon po ako ng opurtunidad na lalong makapagpatuloy sa aking pag aaral.Ang aking magulang po ay isang kasambahay at samantalang ang making ama ay isa nang ganap na senior citizen kapwa may mga edad na.ako po ay may asawa na isa lamang construction worker at may apart na anak na pawang mga mag aaral din po ang kita ng aking asawa at sapat lamang po sa pang araw araw na gastusin sa aming bahay .ako po ay pursigidong makapagtapos sapagkat may pangarap po ako na gustong makamit.Hndi po ako makabili ng cellphone dahil sapat lamang po ang kita ang aking asawa sa pang araw araw .nanghihiram lamang po ako sa aking nakakatandang kapatid upang ako at makapag research ng mga kailangan ko ngunit minsan po ay Hindi ako nakakahiram dahil madalas po syang wala .kaya kapag ganun po ay Hindi po ako makagawa.ako po ay umaasa at gumagamit lamang ng piso WiFi upang magkaroon ng access sa internet at nangangailangan pang lumabas ng bahay upang magawa iyon.Dahil po sa paglaganap ng pandemya sa buong mundo ako po at natatakot Hindi para sa aking kaligtasan kundi para sa kaligtasan ng mga mahal ko sa buhay sa tuwing ako ay lalabas at uuwi,ngunit sa ngalan ng edukasyon at pagkatoto patuloy pi akong lumalabas para makapag search kaya nung malaman ko pong may mga grupong tumutulong at namimigay ng mga gadgets sa mga estudyanteng nangangailangan at natuwa po ako dahil isa po itong malaking blessing at tulong kung sakali man po na isa ako sa mabibigyan ng ruling .Pero sa tingin ko po isa ako sa karapat dapat mabigyan ng tulong dahil isa po ako sa pursigido at masipag na mag aaral ito po at kailangang kailangan ko para sa pag aaral ko.Sana po at inyong maunawaan at ako po at matulungin sa aking suliranin .sanay mabigyan nyo ng pansin ang aking kalagayan .Ngayon pa lamang po ako ay taus pusong nagpapasalamat na. Salamat po ng marami……