CP para sa isang nauulila sa ina at siya ng nagsisilbing ina ng kanyang mga kapatid – Ivy Bachain

Jul 29, 2022 | 0 comments

March 16, 2021 ng Ihatid namin sa mismong eskwelahan ng estudyanteng si Ivy Bachain ang hiling niyang cellphone…at konting grocery para sa kanilang mag-anak.

Halos wala pang isang buwan na kamamatay ng ina ni Ivy, Naulila siya nito pati na ang kanyang 5 pang kapatid. Sobrang sakit lalo sa kanyang tatay ng nangyari…saksi kami sa lungkot at pighati na nararamdaman ng pamilya ng personal namin itong pinuntahan.

Sana ay makatulong upang mabigyang ng kahit na kaunting lakas at pag-asa ang pamilya Bachain sa dala-dala naming konting tulong.

Dios Mabalos – Tropang Lungisan

 

===================================

 

Magandang gabi po. Ako po si Ivy B. Bachain. 19 na taong gulang Nakatira sa Brgy. Bactas Basud Camarines Norte Sa kasalukuyang nag aaral sa CNSC na may kursong Public Administration at First year   college po. Wala po kaming sariling bahay. Anim po kaming mag kakapatid. Pangalawa po ako. At lahat po kami ay nag aaral.

Ang papa ko po ay isang  laborer lamang at ang aking mama ay kakamatay nya lamang po noong February 5, 2021. Kaya po ngayon hindi po makapag trabaho ang papa ko po dahil po sa nangyare sa mama ko. Lalo na po ngayon sa panahon pandemya. Hindi sapat ang kinikita ng aking Papa para saaming Anim na mag kakapatid.

Meron po akung Android Cellphone Pero biglang na off na po sya. hindi po kasi ganon katibay para magamit sa online class. Mahigit apat na taon ko na po ito ginagamit. Gustuhin ko man po mag karoon ng sarili at magandang kagamitan na pang online class ngunit hindi ko magawa dahil sa kawalan ng pera at kapos sa buhay. Sobrang bilis po mapuno ng storage ng cellphone ko. At Hindi rin po ako minsan maka join sa klase dahil hirap maka acces ng malakas na signal ang cellphone ko po.

Kaya Sobrang saya ko po nong nalaman ko pong meron po kayong ipinapamigay na libreng tablet para sa mga kagaya kung hirap sa buhay. Gustong gusto ko po makapag tapos ng pag aaral. Para makatulong sa papa ko na paaralin ang mga kapatid ko. Lalo na po ngayon na wala na po si mama. At ako po ang pumalit sa lahat ng responsibility ni mama saaming mag kakapatid. Ako na po ang tumatayong Mama sa mga kapatid ko po. Pero hindi po ito hadlang parang hindi matupad ang mga pangarap ko po sa buhay. Mas lalo po akung mag susumikap at gagawin ko pong inspirasyon ang sitwasyon namin ngayon sa buhay para maka angat at makapag tapos po ako. Salamat po.. Kung ako man po ang mabibigyan ng pag kakataon na ito. Asahan po ninyong mas lalo ko pa pong gagalingan sa klase. Maraming Salamat po.