Sapagkat ang Diyos ay Pag-ibig

Aug 3, 2022 | 0 comments

Pag-ibig ang siyang pumukaw,Sa ating puso’t kaluluwa
At siyang nagdulot sa ating buhay, Liwanag sa dilim at pag-asa

Pag-ibig ang siyang buklod natin, Di mapapawi kailan pa man
Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang, Kahit na tayo’y magkawalay

Pagka’t ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig, Magmahalan tayo’t magtulungan
At kung tayo’y bigo ay h’wag limutin Na may Diyos tayong nagmamahal

Sikapin sa ating pagtungo Ipamalita sa buong mundo
Pag-ibig ng Diyos na siyang sumakop sa Bawa’t pusong uhaw sa pagsuyo

Pagka’t ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig Magmahalan tayo’t magtulungan
At kung tayo’y bigo ay h’wag limutin Na may Diyos tayong nagmamahal oh

Pagka’t ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig Magmahalan tayo’t magtulungan
At kung tayo’y bigo ay h’wag limutin Na may Diyos tayong nagmamahal
Diyos ay pag-ibig